Don’t Keep Saying “I’m Tired”!

Nakita ko ‘to sa isang Facebook post: Wag mong sabihin na “Pagod ka” nang paulit-ulit. Ang dahilan daw: what you say, you become!

Kung ano pala yung paulit-ulit mong sinasabi tungkol sa sarili mo, yun ang mangyayari sa yo.

Merong scientific explanation yan, pero ipo-post ko na lang dito ang link.

Nung mapanuod ko yung video na tungkol sa neuroplasticity, inisip ko kung paano nga ba ako napunta sa sitwasyong ito:

Tuwing umaga pagkagising, ang unang laman ng utak ko ay “pagod ako”. Sa paglipas ng araw, ilang beses kong naririnig ang utak ko na sinasabing “pagod na pagod ako”. Matik yan. Bigla-bigla na lang. Maya’t maya. Walang control.

At narealize ko na dahil ito sa madalas kong sabihin yan nuon. Totoo naman na nuon palagi akong pagod dahil sa puyat, stress, at problema sa buhay. Sinasabi ko lang naman ang nararamdaman ko. Ang hindi ko alam, may tinatanim pala ako sa utak ko na later on, mahihiraman akong “bunutin”. Parang damo na di na mapigilan ang pagtubo at pagdami.

At dahil palagi kong sinasambit na pagod ako, naka-focus ako sa pagod, sa hirap, sa problema. At pagod, hirap, at problema ang lagi kong nakikita. Araw-araw, mula umaga hanggang sa pagtulog at paggising kinabukasan, pagod, hirap at problema!

Ang sabi dun sa mga napanuod kong videos about neuroplasticity sa FB and YT: Shift your focus. Choose to say empowering words.

Piliin daw natin sabihin ang kabaligtaran ng mga pangit na nararamdaman natin. Kahit sa sarili lang o kahit sa isip lang. Sa imbes na “pagod na ako”, sabihin mo, “malakas ako”. Sa imbes na “ang hirap”, “kaya ko ito” o “madali lang ito”.

Ulit-ulitin daw natin hanggang sa mag-adjust na ang utak; hanggang tuturuan na tayo ng ating mga utak na makaramdam at makakita ng mga bagay na madali, nagbibigay-lakas, nagbibigay ng kakayahan o solusyon sa problema, pagod, at hirap.


Oo nga ano!

Nakakabilib kasi mula nung baguhin ko yung mga sinasambit at iniisip ko bago ako matulog, gumigising na akong hindi pagod. Masarap ang tulog ko at ganado akong bumangon.

Try mo.

Watch: https://youtu.be/3drxY3rmgvY?si=bt2C2jFLZlCLdho_

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top